TRABAHO PARA SA BAYAN ACT
Ito ay Republic Act No. 11962, ang batas na trabaho para sa bayan,
para sa buong bansa. Layunin nito na ang
ating gobyerno ay magbigay ng buong proteksyon sa ating mga trabahador. Sila
man ay nasa ibang bansa o nandito sa Pilipinas. Sinisigurado din ang
pantay-pantay na oportunidad na magkaroon tayong lahat ng trabaho, mapababae
man o lalake, o may ibang lahi, kulay, relihyon, politikal na opinyon o
pinanggalingan.
Gagawin din ng gobyerno ang paghikayat ng mas madaming pang trabaho
para sa bayan. Kasali na din ang mga karagdagang negosyo na magbibigay
oportunidad sa mas madaming pang tao. Para magampanan ito, may nakahandang
plano na magiging gabay ng gobyerno. Ito ay tinatawag na “Trabaho Para sa Bayan
Plan”.
Dito sa “Plan” na ito, nakasaad ang mga layunin. Gaya ng:
1. Pagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga insentibo at pamumuhunan. Dahil dito, magkakaroon ng disenteng trahabo ang mga walang trabaho at muling makakasalamuha at makakatrahabo ng matiwasay ang ating mga OFWs sa Pilipinas. Dagdag pa dito, itong batas ay may pakay na paigtingin ang pagiging mapagkumpitensya ng ating bansa sa larangan ng kakayahan at kasanayan ng ating mga empleyado sa kahit anumang trabaho.
2. Pagbigay ng suporta sa mga negosyo at pagluwag
ng pribilehiyo na makakuha ng kapital.
3. Insentibo para sa mga amo at ng mga pribadong organisasyong
nagaalok ng pagsasasanay, teknolohiya, kaalaman, kasanayan, at iba pang angkop
na aktibidad kaugnay sa trabaho.
Sa Plan mayroong tinatawag na “development timeline” na kung
saan may
3-year
6-year, at
10-year development timeline para sa pangitain, misyon, at layunin
Magkakaroon din ng “Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency
Council” para sa pagbabalangkas ng takdahan ng mga pagganap, pagsasagawa at pagtupad
ng “Trabaho Para sa Bayan Act”. Kung kinakailangan, itong lupon ay maaring
magtawag pa at humingi ng tulong sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para
magampanan nito ang nararapat at tamang operasyon ng trabaho para sa bayan. Puwede
din na kapag nangangailangan pa ang lupon, maari itong magtatag ng “Working
Groups” nang sa gayon ay tuluyang makamit ang mga layunin na nakasaad sa batas.